Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Yearbook Write-Ups ng mga Sikat na Personalidad sa Showbiz

Sa mundo ng showbiz ay batid natin na may ibang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil mas piniling bigyan ng pokus ang kanilang showbiz career, ngunit may ibang mga artista naman sa sa kabila ng abala ngayon sa kanilang buhay-artista, ay nagawa pa ang makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Ngunit anong klase nga bang mga estudyante nooong sila’y nag-aaral pa ang mga sikat na artista na ngayon?
Halina’t balikan natin ang buhay estudyante ng ilan sa mga sikat at iniidolo natin ngayon. Silipin ang kanilang yearbook sa mga larawan na ito.

Maine Mendoza

Sumikat at naging Phonemenal star si Maine Mendoza ng maging hit ang segment niya sa Eat Bulaga na ‘Kalyeserye’ kung saan nakatambal niya si Alden Richards.Kung ngayon ay hinahangaan at iniidolo si Maine ng marami dahil sa kanyang pagiging mahusay na host-actress, noon namang ito ay estudyante pa lamang ay hinahangaan na siya ng kanyang high scholl batchmates sa St. Paul College – Bulacan. Ito ay dahil sa pagkakaroon niya ng

Photo Credits: Google.com

“distinguished beauty”

kaya naman tinagurian siyang isang ‘head turner’.

Marian Rivera

Sa DSLU – Dasmariňas nagtapos ng kursong BS Psychology ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. At dahil sa taglay na kagandahan niya noon pa man, ay talagang marami na ang humahanga sa kanya. Tinagurian siya noon na

Photo Credits: Google.com

“a face that could launch a thousand ships”

kagaya ni Helen of Troy, dahil sa kanyang kabigha-bighaning kagandahan.

 

Dingdong Dantes

Kapansin-pansin naman na may pagkakatulad ang first line comment nina Dingdong at Marian sa kanilang yearbook. Tila nga nakatadhana silang dalawa.Dahil sa taglay na kakisigan at gandang lalaki ay hinangaan rin si Dingdong ng kanyang fellow high school sa Ateneo de Manila University.

Photo Credits: Google.com

Kris Aquino

Estudyante pa lamang sa Colegio de San Agustin – Makati noon ang Queen of All Media na si Kris Aquino, ay tinatawag na siyang

Photo Credits: Google.com

“Miss Showbiz”

ng kanyang mga ka-batch.

 

Sunshine Cruz

Pinapantasya at hinahangaan ng marami dahil sa kanyang

Photo Credits: Google.com

‘mestiza beauty’

si Sunshine Cruz, at noon pa umano ay inaasahan na ito at papasok sa mundo ng showbusiness.

 

Carla Abellana

Kilala bilang

Photo Credits: Google.com

“beauty and brains”

ng kanyang batchmate ang mestiza actress na si Carla Abellna. Siya ay nagtapos sa kolehiyo na may parangal bilang isang Cum Laude sa DLSU- Manila.

 

Alma Concepcion

Ang Binibining Pilipina – International 1994 title holder naman si Alma Concepcion ay kumuha ng kanyang kursong BS Interior Design sa UP Diliman.

Photo Credits: Google.com

“I am always 100% in everything I do in life”,

ani ng actress-beauty queen.

Heart Evangelista

Tinaguriang ‘Queen of Creative Collaboration’ ang fashion icon-actress na si Heart Evangelista. Bata pa lamang ay likas na ang kanyang pagiging animal lover, at ito ay base na rin sa kanyang yearbook noong siya ay estudyante lamang sa Colegio San Agustin sa Makati, kung saan ay sinabi niya na

Photo Credits: Google.com

“I love animals and I’m fond of painting and acting. I hope to become an actress someday.’

Isa si Heart sa mga ambassador ngayon ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS, at dito ay patuloy niyang ginagawa ang kanyang adbokasiya sa animal welfare and protection.

 

Tekla

Sa Youtube channel ni Tekla at Donita Nose, ay ipinasilip ni Tekla ang kanyang isinulat noon sa kanyang yearbook, at ang nakasulat nga doon ay pangarap noon ng komedyante na maging isang professional at successful na recording artist.
Ibinahagi rin ni Tekla ang nakatutuwang istorya patungkol sa suot niyang damit para sa yearbook photo nila.

Photo Credits: Donekla in Tandem | YouTube

“Dahil sa sobrang hirap, kasi working student lang ako. Itong polo na puti nay an, ukay lang yan. ‘Tapos alam mo ‘yung necktie na yan, alam mo kung ano yan?

“Yung parang ribbon, medyas ko yan na itim, ginawa kong [ribbon] tapos tinahi ko sa gitna.”,

ang naging kwento nga ni Tekla.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved