Connect with us

Entertainment

Silipin, Larawan ni Andi Eigenman at Anak na si Ellie na Magpapakitang Magkamukang Magkamuka sila noong Mag Kasing Edad Sila

Si Andi Eigenman ay naging bukas sa publiko sa pagkakaroon niya ng anak sa batang edad. Si Ellie ay anak ni Andi kay Jake Ejercito, sa mura nilang edad pareho silang hindi itinadhana para sa isa’t-isa. Ngunit magka-ganoon pa man ay naitaguyod at napalaki naman ni Andi si Ellie na isang mabuting bata sa kabila ng hindi pagkakaroon ng isang maayos na pamilya.

Hindi din naman pinababayaan si Ellie ng kaniyang daddy dahil hanggang ngayon lagi pa rin itong sumusuporta sa kaniya.

Ngunit lahat ng kontrabersiyang hinarap ni Andi noon ay matagumpay niyang nalagpasan ang lahat ng ito. Sa tulong na rin ng suporta ng kaniyang ina na si Jacklyn Jose ay hindi dalawang isip si Andi na bumangon muli. Kaya kamakailan lamang ay nagpost si Jacklyn sa kaniyang Instagram ng larawan ni Andi noong siya ay halos kasing edad ng kaniyang anak na si Ellie. Hindi makakailang kamukha ni Andi ang kaniyang anak.

Ayon kay Jacklyn, parang pinagbiyak na bunga si Andi at Ellie. Kaya napansin din ito ng mga netizens na magkamukhang-magkamukha ang mag ina ng ikumpara ang dating larawan ni Andi sa larawan ngayon ni Ellie. Umani ng samu’t saring mga komento ang larawang ito, ayon sa mga netizens kitang-kita kung kanino nagmana si Ellie ng kaniyang kagandahan. Makikita sa larawan na mini me ni Andi si Ellie, pati mga ngiti ni Andi ay halos namana ni Ellie. Mula sa pagiging cute na bata hanggang sa paglaki ni Ellie mawawangis sa kaniya ang mukha ni Andi.

Kaya naman marami ang namangha at natuwa sa kanilang larawan.

Sa ngayon masayang-masaya si Andi sa pagkakaroon ng isang masayang pamilya lalo pa’t kumpleto na sila. Bukod pa rito, natutuwa rin ang mga fans ni Andi sa kaniya dahil sa pagiging responsableng ina nito sa kaniyang mga anak. Umani ng suporta si Andi mula sa kaniyang mga fans.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved