Connect with us

Entertainment

Silipin ang mga Larawan ng Aktres na si Sheryl Cruz na Nagpapatunay na Hot at Seksi Pa rin Siya sa Edad na 46

Sabi nga nila “age is just a number”, siyang tunay. Dahil hindi naman talaga basehan ang edad sa hitsura ng panlabas na anyo ng isang tao. May mga tao nga na kahit may edad na, ay talagang napakaganda at tila bata pa rin kung pagmasdan. Ito nga ay dahil inaalagaan nilang mabuti ang kanilang katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masustansiya at pag-eehersisyo.




At para nga sa “Magkaagaw” star na si Sheryl Cruz, “40 is the new sexy”. Wala naman talaga itong duda, dahil kahit nga 46 taong gulang na, ay makikita ang kaseksihan ng aktres. Tila nga hindi ito 46 taong gulang dahil fit and seksi itong tingnan.

Patunay lamang nito ang mga larawan habang nasa industriya ng showbiz, na talagang nagawa niyang panatilihin ang kanyang magandang hubog ng katawan kahit nasa 40’s na. Silipin ang kanyang mga kahanga-hangang larawan na nagpapakita ng kanyang walang kupas na ganda at kaseksihan.

Bilang isang mahusay na singer, ay talaga namang napakaganda ng tinig ni Sheryl Cruz, ngunit kasama na rin rito ang kanyang taglay na ganda. At sa display niya sa single niyang ‘Luzviminda’, ay makikita ang kanyang angking ganda.

Nakipagsabayan rin sa paseksihan si Sheryl sa kanyang pinsan na si Geneva Cruz, habang suot ang isang itim na bikini nang magperform. At talaga namang proud na ipakita ni Sheryl ang kanyang napakagandang legs kung saan makikita na sa dance number, ay nakasuot siya ng maikli upang makita ang makinis niyang legs.

Samantala, hindi lamang sayaw ang nagiging libangan ni Sheryl upang mapanatili ang kanyang seksi figure. Dahil may oras rin ang aktres sa paghu-hula hoop na kanyang ginagawang ehersisyo habang sumasayaw.




Talaga namang napakaseksi ni Sheryl. Sa suot na leather jacket nga ay kitang-kita ang kanyang walang kupas na alindog. Mas lalo namang pinatunayan ni Sheryl ang taglay na kaseksihan sa All Out Magazine kung saan makikita na talagang napakaseksi niya parin hanggang ngayon.

Sa isang panayam ni Nelson Canlas kay Sheryl, ay sinabi ng aktres na ang tanging tao na hiningan niya ng pahintulot sa kanyang pagpapaseksi sa mga photo shoot, ay ang kanyang anak.

Sa ngayon, ay abala rin si Sheryl sa kanyang trabaho bilang mahusay na aktres, kung saan gumaganap siya bilang Veron sa isang teleserye ng GMA Afternoon Prime na “Magkaagaw”.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved