Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Bakasyon ng Mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford Kasama ang Kanilang Anak na si Baby Amari sa La Union

Walang kapantay na kaligayahan ang tinatamasa ngayon ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford sa pagdating ng kanilang baby boy na si Baby Amari sa kanilang buhay. Kay Baby Amari na nga umiikot ang mundo ng mag-asawa na talaga namang mahal na mahal nila.




At ang mabilis na paglaki ni Baby Amari ay hindi nila pinapalampas ang pagkakataong masubaybayan. Kaya naman, sa bawat bakasyon o pamamasyal ng kanilang pamilya ay palaging kasama si Baby Amari.

At kamakailan nga, ay masayang nagbakasyon ang kanilang pamilya sa napakagandang lugar ng La Union na talagang sinulit ang bawat sandali na makasama ang ilan sa miyembro ng kanilang pamilya. Nakakatuwa rin na ang masayang bonding ng kanilang pamilya sa nasabing bakasyon, ay ibinahagi ng mag-asawa sa kani-kanilang social media account.

Masusulyapan sa Instagram ni Coleen at Billy ang precious moments ng kanilang pamilya kasama si Baby Amari. At ang milestone ng kanilang napakacute na baby boy, ay proud rin nilang ibinahagi sa kanilang mga tagahanga.

Sa Instagram nga ni Coleen ay masisilayan ang larawan nilang mag-ina habang nakaupo sa buhangin. Makikita naman ang nakakatuwang reaksyon ni Baby Amari habang nakatapak ang kanyang munting paa sa buhangin.

Sa maikling video namang ibinahagi ni Coleen, mapapanood ang pagsisipa-sipa ni Baby Amari sa buhangin na tila ba naninibago sa unang beses na naramdaman ng kanyang paa ang buhangin.

“Amari’s first time to feel sand!,”saad ni Coleen sa caption ng kanyang post.

“So happy he finally gets to explore the world around him, little by little. 💙”

Hindi naman maikakaila na masayang-masaya si Coleen na masubaybayan ang bawat milestone ng kanyang anak na si Baby Amari. Kahit nga ang mga followers ng mag-asawa, ay talagang inaabangan rin ang bawat kaganapan sa mabilis na paglaki ni Baby Amari na naghahatid sa kanila ng tuwa.




Kahit pa nga sa loob ng kanilang tahanan ay madalas ring ibahagi ng celebrity couple ang kanilang bonding moments kasama ang napakacute na si Baby Amari. At ngayon nga na may isang napakacute silang baby sa loob ng kanilang bahay, ay talaga namang puno ito ng saya dahil sa matatamis na ngiti at halakhak ni Baby Amari.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved