Connect with us

Entertainment

Ryza Cenon, Ibinahagi ang Pagod sa Pagiging Isang Mommy, Mga Netizens Naka-Relate sa Post na Ito ng Aktres

Ilang buwan pa lamang ang nkararaan ng isilang ng dating kapuso actress na si Ryza Cenon ang kanyang anak na si baby Night. Kaya naman hanggang ngayon, ay nasa pag-aadjust pa rin siya sa buhay ng pagiging isang mommy, na batid natin na hindi madali, dahil sa pagod at puyat ang talagang magiging kalaban mo sa pag-aalaga ng isang baby.

Photo Credits: Ryza Cenon | IG

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Ryza Cenon ang kanyang larawan na tila kinunan behind the scene habang inaalagan niya si baby Night, kung saan ay marami sa mga netizens na nakakita nito ang natuwa at pumuri sa kanya, dahil sa pagiging isa niyang hands-on mom.
Noong ika-15 ng Enero, ay ibinahagi ng aktres ang kanyang larawan na kitang-kita ang mahimbing na pagkakatulog nila ng kanyang kyut na kyut na baby boy. Kinabukasan nito, ay muli namang nagbahagi ang aktres ng isa pang larawan, kung saan naman makikita ang naging pag-selfie ng kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz habang sila ni baby Night ay tulog na tulog.

Photo Credits: Ryza Cenon | IG

Makikita sa mga larawan na ito na ang napaka-kyut na si baby Night, at ang pagiging hands-on ni Ryza sa pag-aalaga sa munting anghel niyang ito.

Kalakip nga ng mga larawan na ito ng aktres, ay ang kanyang inilagay na caption na;

Photo Credits: Ryza Cenon | IG

“Ito talaga ang totoo sa likod ng picture ko. [email protected] po ‘ko sa pagod”

Tila marami namang mga momshie’s ang naka-relate sa naging caption ni Ryza sa kanyang mga larawan, dahil talaga namang hindi madali ang pagiging isang mommy, lalo pa’t madalas kang mapupuyat sa pag-aaruga sa iyong anak, na tulad nga ng nararanasan ngayon ng aktres.
Ilan nga sa mga naging komento ng mga momshie na tulad ni Ryza, ay nagsabi na relate sila sa pagod na nararanasan ng aktres, ngunit sa kabila nito ay worth it naman daw ang puyat at pagod, lalo na kung nasisilayan nila ang mga ngiti ng kanilang munting anghel.

Photo Credits: Ryza Cenon | IG

Ang iba namang netizens ay sinabi na hinahangaan nila si Ryza, dahil sa unconditional love na ibinibigay nito sa kanyang anak, patunay nito ay ang pagod at puyat na ginagawa nito, maalagaan lamang si baby Night.

Ibang mga momshie naman ay nagkomento na hindi naman magtatagal ang ganitong phase ng pagiging isang mommy, ito ay dahil sa mabilis lang naman ang paglaki ng mga bata tulad ni baby Night, at sigurado kapag ito’y malaki na ay mamimiss ng aktres ang pag-aalaga niya sa kanyang baby.

Buwan ng Hulyo noong nakaraang taon ng isiniwalat ni Ryza Cenon sa publiko na siya ay limang-buwan ng nagdadalang-tao, na ikinagulat ng kanyang mga tagahanga.

Photo Credits: Ryza Cenon | IG

Isinilang ng aktres ang kanyang malusog at kyut na baby boy noong ika-31 ng Oktubre 2021, na pinangalanan nga niyang si baby Night. Ngayon nga ay 2-months old na si baby Night, at mas lalo pang lumilitaw ang taglay nitong kakyutan.

Sa kabila naman ng mga sleepless night ni Ryza Cenon sa pag-aalaga niya sa kanyang baby, ay taglay pa rin nito ang pagiging pretty na momshie.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved