Connect with us

Entertainment

Roxanne Barcelo, Masayang Inanunsyo na Siya’y Buntis na, Ilang Linggo Lamang Matapos NIyang Ibunyag sa Publiko na Siya’y Nag-asawa at Kasal na

Kamakailan nga lamang ng gulatin ng aktres na si Roxanne Barcelo ang publiko na siya’y nag-asawa na, ito ay matapos nga niyang ibahagi sa kanyang social media account ang ilang mga larawan na kuha sa naging kasal nila ng kanyang napangasawa.

Photo Credits : Roxanne Barcelo | IG

At ngayon ngang buwan ng Enero, ilang linggo lamang matapos ang naging pagbubunyag ni Roxanne na siya’y may-asawa na , ay panibagong anunsyo naman inilabas nito sa publiko at ito nga ay ang kanyang pagbubutis na sa magiging unang supling nila ng kanyang asawa.
Ang naging pag-aanunsyo nga ni Roxanne ng kanyang pagbubuntis, ay ibinahagi niya nito lamang ika-21 ng Enero 2021, sa pamamagitan ng isang vlog entry na inilabas niya sa kanyang YouTube channel.

 

 

“Mga badidap, I wanted to share with you all that I’m preggo”,

ang naging agad na bungad nga ni Roxanne sa kanyang mga subriber’s sa kanyang vlog.

Pagbabahagi pa ni Roxanne, inakala nilang mag-asawa, na matatagalan pa bago sila magkaroon ng kanilang anak, dahil ito ang naging saad sa kanila ng OB GYNE. Ngunit, tila nga nagkamali ito, dahil sa hindi nagtagal, at ito nga at siya’y buntis na.

Samantala, makikita naman ang naging pagbabahagi ni Roxanne ng isang stuff toy “Panda” sa kanyang vlog na ito, kung saan ay kanyang sinabi na ito’y regalo sa kanya ng kanyang asawa noong Pasko.

Photo Credits: Roxanne Barcelo | YouTube

Ayon nga kay Roxanne, ang naturang panda ay pagmamay-ari talaga ng kanyang asawa, at mula pagkabata nito ay kasa-kasama na niya ang naturang stuff toy panda dahil sa ito’y regalo ng mga magulang nito sa kanya.

At noon ngang nakaraang Pasko, kasabay ng naging pagkakilala niya sa buong pamilya ng kanyang asawa, ay ibinigay rin nito sa kanya ang naturang “Panda” stuff toy, bilang Christmas gift nito.Binalikan naman ni Roxanne, na tila noon pa man ay may naging “sign” na siya na may kinalaman ang Panda sa kanyang magiging buhay pag-ibig.

Photo Credits: Roxanne Barcelo YouTube

Kwento ng aktres, noong ika-23 ng May 2013, ay nagbahagi siya ngn larawan ng isang Panda, na ipinagtataka rin niya kung bakit niya ginawa. Kasunod nito ay muli rin siyang nagbahagi ng larawan ng panda, na may kalakip ng “weird text”. Kaya naman ng ibigay sa kanya ng kanyang asawa ang Panda, ay tila ito na nga ang naging “sign” sa kanya.

Photo Credits: Roxanne Barcelo YouTube

Tinapos naman ni Roxanne ang kanyang vlog sa pamamagitan ng pasasalamat sa kanyang mga followers, na nagpa-abot ng kanilang dasal at hiling para sa maging maayos niyang pagbubuntis.

Noong nakaraang Disyembre taong 2020 nga lamang ibinahagi ni Roxanne sa publiko ang kanyang rebelasyon na siya nga’y kasal na, at ito nga ay talagang ikinagulat ngunit ikinasiya rin ng kanyang maraming mga tagahanga.

Photo Credits : Roxanne Barcelo | IG

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved