Connect with us

Entertainment

“Party Girl Kasi Ako Nun” Sofia Andres Ibinahagi kung Paano nga ba sila Nagkakilala ng Kanyang Partner Ngayon na si Daniel Miranda

Sa kabila ng marami sa atin ang hinahanap hanggang ngayon ang kanilang ‘true love’, ay mayroon naman na mas pinipiling mapag-isa muna, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay saka naman nila natatagpuan ang taong magpaparamdam sa kanila ng pagmamahal na kanilang pinapangarap.

Tila ganito ang naging kwento ng pag-ibig na natagpuan ng aktres na si Sofia Andres, sa katauhan ng kanyang partner ngayon na si Daniel Miranda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Nang mga panahon na wala pa sa isipan muli ni Sofia ang makarelasyon ng sino man, o ang ma-inlove, ay saka naman niya nakilala si Daniel.

Ibinahagi ni Sofia Andres sa isang panayam sa kanya ng aktres na si Erich Gonzales, na nakilala niya ang partner niya ngayon na si Daniel Miranda sa isang bar, noong siya ay 17-taong gulang pa lamang, at ng mga panahong ito ay wala pa sa kanyang isipan na ma-inlove.

Ayon pa sa celebrity actress-mom, ay isa pa siyang ‘party girl’ noong mga panahon na iyon, kaya naman sa ‘The Fort’, sa isang bar niya nakilala si Daniel.

“Party girl kasi ako nu’ng tima na ‘yun. Ang then na-meet ko siya sa The Fort hindi ko talaga ine-expect kasi I wasn’t really looking for anything like love life or whatever”,

ang naging pahayag ni Sofia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Ayon pa sa 22-taong gulang na ngayon na si Sofia, isa sa mga pinsan ni Daniel ang naging daan upang silang dalawa ay magkakilala.

“So na-meet ko siya. May kumalabit sa akin. ‘My cousin finds you pretty. Sabi ko, ‘Ah okay’. Eh medyo tipsy na ako. So, nagpapicture siya. Hindi niya alam artista ako. Siyempre he doesn’t really watch mga shows here in [the Philippines]”, saad pa ng celebrity mom.

Kwento pa ng ‘Pusong Ligaw’ star, na ng mga panahong iyon ay talagang hinintay siya ni Daniel hanggang alas-3 ng madaling araw, at imbis na offeran siya nito ng inumin, ay inofferan siya nito ng maiinum na tubig.

Dagdag pa ni Sofia, kinukuha ng mga kasamahan ni Daniel ang kanyang contact number, at ang kanyang ginawa ay fake number ang ibingay niya sa mga ito. Samantalang ang totoo naman niyang number ang ibinigay niya kay Daniel, at doon na nga umano nagsimula ang kung anong mayroon silang dalawa ngayon.

Inamin rin ng aktres, na una pa man niyang nakita si Daniel ay humanga na siya dito dahil sa taglay nitong kakyutan.

“Nacute-an ako sa kanya”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Sa panayam ring ito kay Sofia, napag-alaman natin na siya ang first girlfriend ni Daniel.

Samantala, ibinahagi rin ng celebrity mom ng si Sofia Andres kung paanong ituinuro ni Daniel sa kanya ang ibang mundo na maari niyang galawan, maliban sa kanyang pagiging isang party girl. Natutunan niyang i-overcome ang ilan sa mga bagay na natatakot siyang gawin, at isa na nga rito ay ang pagsakay sa motorsiklo.

 

Kinumpirma naman ng aktres na taong 2018 pa ng magsimula silang mag-date ni Daniel Miranda. At noon nga lamang buwan ng Hunyo taong 2020 ng i-anunsyo ng aktres sa publiko na siya ay mayroon ng anak sa Cebuano-born racer car driver, at ito nga ay ang kanilang baby na si ‘Zoe.’

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved