Connect with us

Entertainment

Paolo Contis Sinurpresa ang Kaniyang Anak na si Summer ng isang Mini Playground

Maraming ng mga lugar ngayon ang hindi na madalas mapuntahan dahil sa pandemiya. Kaya ang mga tao ay nanatili na lamang sa loob ng kanilang mga bahay upang makaiwas na mahawaan ng sakit na dala ng Pandemya. Kung kaya’t ang mga tao ay gumagawa na lamang ng kapaki-pakinabang na mga bagay sa loob ng kanilang mga tahanan.

Ang isa sa mga bagay na ito ay kung paano ang mga bata ay mag-eenjoy sa loob ng kanilang tahanan sa kadahilanang hindi sila makalabas ng bahay. Bilang isang magulang gumagawa tayo ng paraan para mapasaya natin ang ating mga anak.

Ganito na lamang ang ginagawa ng artistang si Paolo Contis para sa kaniyang anak na si Summer. Upang hindi mabagot ang kaniyang anak habang nasa loob ito ng kanilang bahay ay naisipan ni Paolo na magpagawa ng mini playground sa loob mismo ng kanilang bakuran. Ayon kay Paolo, pinagawa niya itong mini playground dahil matagal ng hindi nakakalabas ng bahay ang kaniyang anak upang mag-enjoy.

Kaya sila ng kaniyang asawa na si Lj Reyes ay naglagay ng pinagawa nilang mini playground sa loob ng kanilang bakuran. Dahil nga ang paligid ng kanilang bahay ay puro semento kaya nagpalagay ng lamang si Paolo ng indoor grass upang hindi na magalusan ang kaniyang anak habang nagtata-takbo ito sa kaniyang playground.

Binilhan din ni Paolo ang kaniyang anak ng isang doll house, isang mini slide at may swing upang mabuo ang itsura ng mini playground. Siyempre upang mas lalong mag-enjoy sa paglalaro ang kaniyang anak.

Ang kanilang paghahanda sa sorpresa niya para sa kaniyang anak ay mapapanood sa latest video na pinost niya sa kaniyang youtube channel. Nang matapos ang kaniyang munting sorpresa ay agad na niya itong ipinakita sa kaniyang anak, at lubos na natuwa at nagalak si Summer sa bago niyang playground.

Mababakas sa mukha ng kaniyang anak ang excitement na makaka-paglaro na ito ng hindi na nagagalusan. Ang regalong ito ni Paolo para sa kaniyang anak ay talaga namang nagbigay ng sobrang kasiyahan kay Summer.

Nakaka-proud bilang daddy si Paolo dahil sa kabila ng kaniyang trabaho naitataguyod niya pa rin ang responsibilidad na mabigyan ng labis na kasiyahan ang kaniyang anak. Kaya ang kaniyang sorpresa ay naging matagumpay dahil sa napakalaking kasiyahan na naidulot nito sa kaniyang anak na si Summer.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved