Connect with us

Entertainment

Netizens Kinaaliwan ang Napaka-cute na Anak ni Assunta De Rossi na si Baby Fiore

Kamakailan lamang ng ibinahagi ni Assunta De Rossi ang pagkakaroon nila ng anak ni Jules Ledesma. Mula sa pagbubuntis ni Assunta hanggang sa kaniyang panganganak ay nasubaybayan ito ng publiko. Para sa kanilang mag-asawa itinuring nilang miracle baby ang kanilang anak na si Baby Fiore. Kaya labis lamang ang kanilang kagalakan ng biyayaan sila ng anak sa kabila ng kanilang mga edad.

Kaya ngayon mula sa pagsilang kay Baby Fiore, siya ngayon ay 3 months old baby na. Sobrang bilis ng panahon lumalaking napaka-cute at napaka-magiliw na baby si Baby Fiore.

Sa Instagram ni Assunta ibinahagi niya ang video na kaniyang anak, makikita sa videong ito kung paano nakikipag-kulitan siya sa kaniyang mommy. Talaga nga namang makikita sa mukha ni Baby Fiore ang labis na kasiyahan at kagalakan. Ayon kay Assunta ang tuwa na ipinakita ng kaniyang anak ay yung tuwa na para bang nakikita si crush. Kaya natuwa naman din si Assunta kaya pinost niya ito sa kaniyang Instagram na may caption na, “Pag nakita si crush, ‘Nak huwag muna. Pwede 50 years from now??”

Sa mga masasayang ngiti ni Baby Fiore sadyang nawawala ang pagod ni Assunta sa pag-aalaga niya sa kaniyang anak sa bawat araw. Kaya pati ang mga netizens ay naaaliw rin sa mga nakakatuwang ngiti ni Baby Fiore. Kinagigiliwan ng mga followers ni Assunta ang napaka-cute na reaksiyon ng mukha ni Baby Fiore.

Nagbahagi rin si Assunta ng larawan ng kaniyang anak na may caption na kung ano ang ibig sabihin ng pangalan ni Baby Fiore. Pagbabahagi niya ang pangalan ng kaniyang anak ay galing pa niya sa kaniyang paterna great-grandparents, sa kaniyang kapatid at sa kaniyang pinakamamahal na lola. Kaya ganoon na lamang ang pagkasabik ni Assunta sa pagdating ng kaniyang anak ito ay ang kanilang miracle baby kaya sobrang makasaysayan din ang kaniyang pangalan.


Kaya ngayong pandemic sobrang hands-on mommy si Assunta sa pag-aalaga niya sa kaniyang anak at siyempre nariyan din ang kaniyang napaka-suported na asawa na si Jules.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved