Connect with us

Entertainment

Nakakamangha Pa Rin ang Kaseksihan at Kagandahang Taglay ng Asawa ni Alfred Vargas na si Jasmin sa Kabila ng Pagkakaroon na Nito ng Tatlong Anak

Ang pinakamalaking break ng aktor na si Alfred Vargas sa kanyang career ay ng mapabilang siya sa Kapuso fantaserye ng GMA-7 na “Encantadia”, kung saan ay nakasama niya ang mga aktres na sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Diana Zubiri at Karylle.

Si Alfred Vargas, ay nakapagtapos sa Ateneo de Manila ng kursong A.B Management Economics. Maliban dito, ay nagtapos din siya ng master’s degree sa Publiv Administration sa University of the Philippines sa Diliman.

Sa ngayon ay isa ng pamilyadong aktor si Alfred Vargas, matapos niyang ikasal sa kanyang non-showbiz wife na si Yasmine Espiritu. Si Yasmine ay isang Filipino-Italian, at siya’y isinilang sa bansang Italya.

Unang ikinasal sina Alfred at Yasmine sa isang civil wedding noong taong 2010, at sila’y muling nagpakasal noong taong 2017, kung saan isa ng church wedding ang naganap.

Ang aktor umano ang first boyfriend at first love ni Yasmine. Ang pagsasama nilang mag-asawa, ay nabiyayaan na ng tatlong anak, ito ay kinabibilangan ng dalawang babae, at isang lalaki.
Sa bansang Italy ipinanganak ni Yasmine ang panganay na anak nilang mag-asawa na si Alexandra Milan, ganun din ang ikalawa nilang anak na si Aryanna Cassandra at ang bunso at nag-iisang anak nilang lalaki na si Alfredo Cristiano.

Samantala, ng una ngang masilayan ng madla ang asawa ng aktor na si Yasmine, ay agad na napansin ng publiko ang tila pagkakahawig nito sa aktres na si Marian Rivera, dahil sa taglay nitong mala-anghel na ganda.

Kahit nga mahigit isang dekada na ang naging pagsasama ng mag-asawa, ay makikita pa rin kana Alfred at Yasmine ang mas tumitinding pagmamahal nila sa isa’t isa.
Sa isang post nga ng aktor sa kanyang social media account, ay ibinahagi niya kung gaano niya kamahal ang kanyang napakagandang misis, at kung gaano siya kaswerte na ito ang kanyang maging kabiyak.

“Napakaswerte ko sayo. Ang sarap magising tuwing umaga na katabi kita. Ang sarap mong ligawan araw-araw hanggang ngayon, at ipagpapatuloy kong ligawan ka kahit maputi na ang buhok natin. Salamat dahil lagging oo naman ang sagot mo sa akin. Mahal na mahal kita.”

Sa kabila naman ng pagkakaroon na ng tatlo ng anak ni Yasmine, ay napakaseksi pa rin nito, at hind inga mahahalata sa awra nito na isa na itong “mommy of three.”

Makikita naman sa IG account ng misis ni Alfred Vargas ang naging pagbabahagi nito ng kanyang larawan, kung saan ay nilakipan niya ito ng caption na kung paano niya nagagawang i-maintain ang pagiging sexy-fit ng kanyang pangangatawan sa kaila ng pagiging isa na niyang mommy.

“I’ve never been athletic or into fitness, When I Was a student I would always find ways to skip my PE class. I easily get tired and bored. But last month, inspired by my amore’s health journey I decided to go out of my sedentary lifestyle. I chose to be strong and healthy for our kids. I began my program cautiously and progressed slowly. I exercised in short sessions a few times a week, keeping in mind that any amount of activity is better than none at all. Would you want me to make a vlog of my 20 -minutes “mommy exercise routine?’ I am not expert but I can share what works for me.”

Sa likod nga ng napakagandang pangangatawan ng misis ni Alfred Vargas na si Yasmine, ay ang kanyang ginagawang pag-eehersisyo na malaki ang naitutulong na mas maging fit and healthy ang kanyang katawan.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved