Connect with us

Entertainment

Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, Namahagi ng mga Kagamitan sa mga Mag-aaral sa Cebu; Ibinahagi Rin ang Hirap na Naranasan Noong Siya ay Estudyante Pa Lamang

Muling binalikan ng itinanghal na Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo ang kanyang naranasang mga hirap noong siya ay estudyante pa lamang hanggang sa magawa niyang matupad ang kanyang pangarap.




Nito nga lamang nakalipas na ika-1 ng Pebrero taon ng kasalukuyan, ay muling inalala ni Miss Universe Ph, Rabiya Mateo ang kanyang naging buhay isang estudyante, bago pa man niya nagawang matupad ang mga pangarap niya sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Namahagi rin ang beauty queen ng ilang mga kagamitan sa ilang mga mag-aaral sa isang pampublikong paaralan sa Cebu.

Sa kanya ngang Instagram account ay makikita ang naging pagbabahagi ni Rabiya, ng ilan sa mga naranasan niyang hirap noon bilang isang estudyante.

“When I was elementary, I did not have that much”, unang paglalahad ni Rabiya.

“I remember, I only had 5 pesos as my baon back then. I only had 2 notebooks for my 8 subjects. I used same shoes from grade 4-6. I had no laptop, no internet access, and there were moments I even needed to go to my classmate’s house to borrow crayons and materials”, dagdag na saad pa ni Miss Universe Ph.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Sa kabila naman umano ng mga pinagdaanan na hirap ni Rabiya nu’ng siya ay nag-aaral pa ay masaya siya sa kanyang pag-aaral, at talagang sinipagan niya, dahil pangako niya sa kanyang sarili, na magagawa niya ang makatulong sa kumunidad kapag naging matagumpay siya sa buhay, at narating niya ang kanyang mga pinapangarap.




Umabot namang ng 150 na estudyante ang nabiyayaan ni Rabiya ng mga educational materials ng personal siyang bumisita sa isang pampublikong paaralan sa Cebu, at ito nga ay ang Zaragoza Integrated School na matatagpuan sa Badian Island.

Ang naturang eskwelahan ay matatagpuan na malayo sa pinakabayan ng Cebu, kung saan halos aabutin ng 2-3 oras ang byahe upang marating ito kung ikaw ay magmumula sa bayan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Paglalahad pa ng beauty queen, marami sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan ang naglalakad ng halos 45-minuto para lamang makapasok sila sa eskwelahan araw-araw, kaya naman malaking sakrpisyo talaga ang kanilang ginagawa bilang mga estudyante, dahil sa sila’y nag-uumpisa pa lamang sa daan patungo sa kanilang pangarap.

Dagdag pa ng Ilongga beauty queen, bilang Ambassador sa edukasyon ay layunin niyang marating ang iba’t ibang mga paaralan sa bansa. Ito ay upang magawa niyang mamahagi o magbigay ng tulong na sa abot ng kanyang makakaya, kung ano man ang kinakailangan ng mga paaralan na kanyang mabibisita.

Nais din ni Rabiya na ibahagi sa mga mag-aaral ang estorya ng kanyang naging buhay upang magbigay ng inspirasyon at motibasyon sa mga ito, dahil mula sa pagiging isa niyang estudyante na salat sa ibang bagay noon, ay nagawa niya pa ring marating ang kanyang pangarap dahil sa kanyang naging pagsusumikap at pagtitiyaga.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved