Connect with us

Entertainment

Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Ibinahagi ang Kanyang Walang Kupas na Ganda sa kanyang Throwback Photos na Kinagiliwan ng mga Netizens

Sino nga ba ang hindi makakakilala sa kauna-unahang Pinay na nakauwi at nagwagi ng titulong Miss Universe? Matapos nga makoronahan noong 1969 bilang Miss Universe, ay nakilala na ang pangalan ni Gloria Maria Aspillera Diaz o mas kilala bilang Gloria Diaz sa industriya ng showbiz.

Hindi lamang bilang isang beauty queen, kundi isa ring multi-awarded actress, at modelo. Marami ang pinahanga ni Gloria Diaz, hindi lamang ng kanyang ganda at katalinuhan sa pagsabak sa Miss Universe, kundi pinahanga rin niya ang publiko sa kanyang taglay na talento sa pag-arte.




Hindi rin nakakasawa ang kanyang natural na ganda kung saan ay talagang masisilayan ang katangian ng isang tunay na Pilipina. Ang pagwagi niya bilang Miss Universe 1969 ay hindi maitatangging tumatak sa puso’t isipan ng bawat Pilipino.

At kamakailan nga, ay kinagiliwan ng mga netizens ang walang kupas na kagandahan ng Miss Universe 1969, matapos niyang ibahagi ang kanyang mga throwback photos mula nang sumali sa pageant, habang nasa showbiz at maging ang kanyang personal na buhay.

Photo credits: Gloria Diaz | IG

Sa Instagram, ay proud na ibinahagi ang isang maikling video na naglalaman ng 20 segundo kung saan makikita ang kanyang walang kupas na kagandahan.

Caption naman ng beauty queen sa kanyang post,

“Do not live in the past they say but it is nice to reminisce so no amount of plastic surgery will ever bring back youth so one should focus on true friends honest siblings, happy and kind kids And most impt. loving partner be that it may totally yours or shared.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gloria Diaz (@gloria.diaz69)

At ngayong 2021, ay halos 52 taon na ang lumipas magmula nang koronahan si Gloria Diaz bilang Miss Universe 1969, ngunit ang kanyang angking ganda at alindog ay hindi maikakaila. Sa katunayan nga nito, hanggang sa kasalukuyan ay nananatili at namamayagpag parin ang kanyang pangalan sa industriya ng showbiz.




Maliban nga rito, ay patuloy pa rin niyang ipinapamalas ang kanyang natatanging husay sa pag-arte na talagang hinahangaan ng marami.

Photo credits: Gloria Diaz | IG

Walang duda na siya nga ang binansagang “pinakamagandang babae sa balat ng lupa” sa industriya ng showbiz, mula noon hanggang ngayon. Ang kanyang “beauty and brain” na dahilan upang makamit ang titulong kanyang dadalhin habang buhay na pinapangarap ng maraming kababaihan, ay talagang maipagmamalaki.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved