Connect with us

Story

Meryll Soriano Ibinahagi na Hindi Naging Madali ang Pagbubuntis Niya sa Anak nila Ni Joem, Nagpasalamat din sa Aktor sa Naging Pag-aalaga Nito Sa Kanya

“Risky and difficult”, ganito inilarawan ng aktres na si Meryll Soriano ang naranasan niya sa kanyang naging pangalawang pagbubuntis. Kung saan ay mas naging malala pa umano ang nararamdaman niyang hirap, ng siya ay malapit na umanong manganak.

Ngunit sa kabila ng napakadelikado at mahirap niyang pagbubutis, ay malaki ang pasasalamat ng aktres, sa kanyang partner ngayon at ama ng kanyang dinadala, na si Joem Bascon dahil sa ipinakita nitong suporta at pag-aalga sa kanya sa panahong kailangan niya ng kaagapay at alalay.




“I couldn’t have done it without a Dud. He helped me stay on track. He stopped buying Cloud 9 and Hawhaw. He did pregnant workouts with me.”

Ayon nga kay Meryll, ay naging isang napaka-supportive na partner ni Joem sa kanya, kung saan maging sa kanyang ginagawang pago-workout nung siya ay buntis pa, ay sinasamahan at sinasabayan siya nito.

Sa Instagram ni Meryll, ay ibinahagi nito ang naging journey ng kanyang pagbubutis, hanggang sa siya nga ay manganak via normal delivery sa isang baby boy, sa Makati Medical Center, kung saan ay umabot rin umano ng 10-oras ang kanyang naging pag-labor bago niya ito ligtas na nailuwal.

“Pushed my heart out, 7lbs. 20 in. 10 hours of labour. Normal birth delivery. We welcomed our beautiful boy”, ang naging una sa pahayag ng aktres.

Photo credits: Meryll Soriano | IG

Ayon pa nga kay Meryll, naging mapanganib at mahirap ang kanyang pagbubuntis, dahil sa second trimester niya, ay na-diagnosed siya na may Gestanional Diabetes (GDM). At dahil dito, ay kinailangan niyang mag glucose test, apat na beses sa loob ng isang araw, at gayundin ang 4 na beses na insulin shots.

Photo credits: Meryll Soriano | IG

Pinagbawalan rin ang aktres na kumain ng mga matatamis na pagkain, tulad ng donuts, chocolates at cakes, hanggang sa siya ay makapanganak.

Para nga masiguradong magiging maayos ang kanyang pagbubuntis, at ligtas ang kalusugan ng kanyang baby, ay kinailangan ni Meryll na mag-shift sa healthier lifestyle, mag-ehersisyo araw-araw, at siguraduhin na nagagawa niya ang pagda-diet niya.

Photo credits: Meryll Soriano | IG

“So, I worked out 4-5x a week, healthy food intake and baby yoga as much as I could. It was hard and it was difficult and tiring most of the time. But, again, my age is a factor. I did what was needed to be done”, naging dagdag na saad nga ni Meryll.

Lubos naman ang naging kasiyahan ni anak ni Willie Revillame, dahil sa lahat ng kanyang pinagdaanan ng siya ay nagbubuntis, ay matagumpay at ligtas niyang nailuwal ang kanyang sanggol.

“Viola! I made it. I did it! I am so proud to have a healthy pregnancy and sfae delivery”, ani Meryll.

Sa nasabing post rin na ito ni Meryll sa kanyang Instagram, ay hindi niya nakalimutang pasalamatan ang ama ng kanyang anak, na kanyang “dud” na si Joem Bascon, sa tulong at suporta nito sa kanya noong hirap siya sa kanyang pagbubuntis.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ng aktres, ang kanyang gynecologist, na siya rin umanong nagpa-anak sa kanya noong isisilang niya ang panganay niyang anak na si Elijah. Si Elijah ay anak ni Meryll, sa dati niyang asawa na si Bernard Palanca.

Masayang masaya naman ang aktres dahil ngayon ay nakikita niyang malusog at masigla sila pareho ng kanyang bagong silang na baby boy.




Kamakailan nga lamang, ay naiulat din na nakita at nakilala ng nasabing sanggol, ang kanyang Lolo na si Willie Revillame at ang tita ng kanyang mommy na si Maricel Soriano.

Photo credits: Meryll Soriano | IG

Photo credits: Meryll Soriano | IG

Ibinahagi naman ni Meryll, na noon pa umanong 10-taong gulang pa lamang ang kanyang anak na si Elijah, ay lagi na nitong hinihiling na magkaroon ng baby brother, na ngayonn nga ay nabigyang katuparan na.

Unang araw ng bagong taong 2021 ng surpresahin ni Meryll Sorianoa ang kanyang mga tagahanga ng ipakilala na niya sa publiko ang kanyang pangalawang anak, kasabay nito ang pagkumpirma niya na muli silang nagkabalikan ng dati niyang nobyo na si Joem Gascon.

Photo credits: Meryll Soriano | IG

Base sa Instagram story na ibinahagi ni Meryll noong ika-3 ng Enero 2021, kung saan ay nakalagay na nasa ika “two-week postpartum” na ang aktres, ay ipinapalagay nito na siya ay nagsilang noon nga lamang buwan ng Desyembre 2020.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved