Connect with us

Entertainment

Masayang Ipinagdiwang ni Sheena Halili ang kaniyang ika-34 na Kaarawan Kasama ang Kanyang Asawa at ang Kanyang Anak na si Baby Martina

Kahit may pandemiya sa panahon ngayon nairaraos pa rin ang pagdiriwang ng mga selebrasyon. Kagaya na lamang ng first-time mommy na si Sheena Halili nagdiwang ng kaniyang kaarawan kasama ang kaniyang asawa at kaniyang anak kahit ito ay napaka-simple lamang.

Ibinahagi ni Sheena sa kaniyang Instagram, ang pagdiriwang nila ng kaniyang ika-34 niyang kaarawan. Itong pagdiriwang ay idinaos sa isang simpleng zoom party upang maibahagi niya sa kaniyang mga mahal sa buhay ang pagce-celebrate niya ng kaniyang kaarawan. Dahil na rin sa pandemiyang dinaranas ngayon, kaya naisipan na lang si Sheena na magkaroon siya ng isang zoom party upang kahit papaano ay may selebrasyon sila ng kaniyang pamilya.

Photo credits: Sheena Halili | IG

Ayon kay Sheena, ito ang isa sa kaniyang masayang kaarawan dahil first celebration niya ito kasama ang kaniyang anak. Si Sheena lamang ang nag-organized ng kaniyang zoom party. Dagdag pa niya siya lamang ang nag-decorate ng kaniyang party pati na rin ang ibinahagi niyang cake ay isang recycled cake na mula pa sa pag-celebrate ni Baby Martina ng kaniyang 1st month old. Napakinabangan ito ni Sheena dahil mahilig naman talaga siyang magdecorate ng mga theme sa party.

Photo credits: Sheena Halili | IG

Sadyang nakakamangha ang pagiging full time mommy ni Sheena dahil bukod sa pag-decorate ng kaniyang party siya na rin mismo ang naghanda ng kanilang mga pagkain. Ayon kasi kay Sheena, ayaw na niyang obligahin pa ang kaniyang asawa sa pag-iitindi nito dahil pagod na ito sa trabaho at ang kaniyang mommy naman ay pagod din sa pagtulong sa kaniya sa pag-aalaga kay Baby Martina. Kung kaya’t siya na lamang ang naghanda ng lahat ng preparasyon para sa kaniyang kaarawan. Dagdag pa niya, sanay na rin naman daw siyang gawin ang ganitong mga bagay.

Photo credits: Sheena Halili | IG

Pero siyempre dahil marami ang nagmamahal kay Sheena may sorpresa pa rin ang kaniyang pamilya para sa kaniya, dahil sinalubong nila ito ng isang cake, sash at tiara bilang pagsalubong sa kaniyang kaarawan. Binati si Sheena ng kaniyang mga kaibigan via zoom. Ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan na si Chariz Solomon ay may magandang pagbati sa kaniya na lubos niya namang ikinatuwa.

 

Masayang-masaya si Sheena sa pagdiriwang niya ng kaniyang kaarawan kahit ito ay simple lamang, ang pinakamahalaga ay ang kasama niya ang kaniyang pamilya lalong-lalo na ang kaniyang anak na si Baby Martina.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved