Connect with us

Entertainment

Komedyanteng si Pokwang, Masayang Ibinahagi ang Beach House na Kaniyang Ipinapatayo sa Bataan

Ang pagsusumikap ay may katumbas na magandang resulta sa darating na mga panahon. Ordinaryong tao man o celebrity ay may naibabahagi pa rin ng kanilang mga tagumpay sa buhay.
Katulad na lamang ng actress na si Pokwang, na masaya niyang ipinasilip ang kaniyang ipapatayong beach house sa Bataan. Ito ang kaniyang ibinahagi sa kaniyang Instagram, ito ang larawan ng aktuwal na beach house na kaniyang ipapatayo. Ang kaniyang beach house ay itatayo sa lupang kaniya mismong nabili.

Ayon pa sa post ni Pokwang na may caption na,

🙏🏼❤️ soon…. claim it! #powerofprayer #powerofpositivity @camayacoast_ph tumatanggap po ako ng raket haaaaa woohooo pang dagdag sa bubong at alulod hahahaha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Ibinahagi rin ni Pokwang ang kasalukuyang itsura ng kaniyang ipinapatayong beach house. Lupang kanilang naibili ay galing sa Camaya Coast sa Bataan kung saan ang lugar na ito ay kitang-kita ang view ng dagat. Unti-unti ng naabot ni Pokwang ang kaniyang pangarap na magkaroon ng beach house. Kaya ang kaniyang mga fans ay lubos na natutuwa at nagagalak sa kaniyang naging achievement ngayon sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Naipost ni Pokwang sa kaniya ring Instagram noon ang plano niyang umpisahan ang pagpapatayo niya ng kaniyang pangarap na beach house. Kaya ngayong 2021, ang pangarap niya ay nakukulayan na upang maisakatuparan ang matagal na niyang inaasam. Sa video ring pinost ni Pokwang sa kaniya pa ring Instagram, makikita ang kaniyang excitement na matatayuan na sa wakas ang lupang kaniyang nabili pagkatapos ng 10 taon siyang nangarap sa ngayon ay matutupad na.

Kasama ang kaniyang asawang si Lee O’ Brian sa video kung saan makikitang hindi lang iisang lote ang nabili ni Pokwang kundi dalawang lote ang kanila na ngayong pagmamay-ari. Dahil na rin sa pagsisipag ni Pokwang sa kaniyang trabaho kaya niya rin nabili ang lupain na matagal na niyang gusto.

Kaya ang kaniyang mga fans ay sobrang naging proud sa kaniyang naging mga achievements ngayon. Masayang-masaya ngayon si Pokwang sa pagma-manage ng kaniyang ipapatayong beach house. Lubos naman siyang nagpapasalamat sa poong maykapal dahil sa mga blessings na kaniyang natatanggap ngayong taon. Nagkaroon ng magandang bunga ang lahat ng kaniyang pagsusumikap. Kaya naman ang kaniyang mga fans ay lubos na nai-inspired sa kaniya.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved