Connect with us

Entertainment

Kinaaaliwan Ngayon ng mga Netizens ang Naging Sagutan sa Social Media ng Parody account ni Mommy Pinty at ni Alex Gonzaga

Si Alex Gonzaga ay isa sa mga sikat na youtuber-celebrity ngayon, kamakailan lamang ay napabalitang ikinasal na siya sa boyfriend niyang si Mikee Morada.




Ang kanilang kasal ay dinalo lamang ng kanilang mga immediate family and friends. Marami ang nagulat at natuwa na rin sa pribadong pagpapakasal ni Alex dahil hindi niya agad ito ibinahagi sa kaniyang vlog.
Isa na nga rito ang naging parody account ng kaniyang Mommy Pinty na marahil siguro natuwa sa pribadong pagpapakasal ni Alex.

Trending ngayon sa social media ang naging sagutan nila Alex at ng fake account ng kaniyang Mommy Pinty. Ito ay naging usapan-usap lalo na sa twitter. Ang kanilang sagutan ay nagsimula sa pagpost nito ng larawan ng kasal nila Alex na may caption na,

“Congrats to my dearest bunso Catherine Gonzaga-Morada! may asawa kana sana mature kana din, I love you bunso, putokan na!!!”

Ito ang kanilang naging nakakaaliw na sagutan sa twitter,

Mommy Pinty: Congrats to my bunso! Pwede na maputokan
Alex: Anong pwede na? Tapos na!
Mommy Pinty: Ahh kaya pala pag linis ko ng kwarto amoy zonrox? Best wishes nlng sa inyo.

Imbis na mainis si Alex ay ginawa na lamang niya itong katuwaan ito dahil alam naman niyang ito ay fake lamang. Kasi ang totoo wala namang twitter account ang kaniyang mommy at daddy kaya imposibleng si Mommy Pinty iyon. Ang parody account ni Mommy Pinty ay marami pang nakakaaliw na mga post patungkol sa reaksiyon ng mga ina ng mga celebrity na ikinakasal na hindi nila basta-basta ipinapaalam sa publiko.




Ang mag-inang Gonzaga ay sanay na sa bawat kulitan ng isa’t isa kaya’t alam talaga ni Alex na ang nagpost na iyon ay hindi ang kaniyang Mommy Pinty. Kasanayan na rin ni Alex at ng kaniyang Mommy ang lagi silang nag-aaway at nagbabati. Pero ipinapakita naman ni Alex ang kaniyang respeto at pagmamahal niya sa kaniyang mommy. Kaya lubos lamang na naaliw si Alex sa post ng parody account ng kaniyang mommy.

Dahil na rin nga siguro sa maraming naaaliw sa tandem ng mag-ina kaya naisipan ito ng isa sa mga social media users na gawan ng parody account si Mommy Pinty upang pasikatin pa ang naging kasal ni Alex at Mikee. Ang mga fans ni Alex sa twitter ay naaaliw na rin sa parody account na ito.

Sina Alex at Mikee ngayon ay pansamantala na lamang nakatira sa bahay nila Alex habang pinapagawa ang kanilang bahay sa Batangas City. Isa ng maybahay ngayon si Alex kaya’t subaybayan pa ang kaniyang mga darating na mga latest vlog.




Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved