Connect with us

Entertainment

John Lloyd Cruz, Isiniwalat na ang Tunay na Dahilan ng Naging Pansamantalang Pagkawala Niya sa Showbiz

Si John Lloyd Cruz ay isa sa mga pinaka-popular at sikat na aktor sa showbiz ng kanyang henerasyon. Sa kanyang taglay na karisma at husay sa pagiging isang aktor, ay talaga namang marami ang umidolo at humanga sa kanya.

Photo Credits: John Lloyd Cruz | IG

Samantala, halos ilang taon rin nga nating hindi nasilayan sa telebisyon at maging sa mga pelikula si John Lloyd, kaya naman marami sa ating mga humahanga at umiidolo sa kanya, ang nami-miss siya, lalo na ang kanyang husay sa pagiging isang aktor.

Matatandaan na taong 2017, ng mawala sa ere ng telebisyon at pelikula si John Lloyd, ngunit sa kabila ng kanyang naging pagkawala sa industriya ay masaya ang kanyang naging buhay, dahil sa may mga dumating sa buhay niya na talaga namang nagbigay ng kasiyahan sa kanya.

Photo Credits: Google.com 

Sa naging pagkawala ni Lloydie sa telebisyon, ay marami nga ang nagtatanong kung ano ang naging dahilan niya para iwan pansamantala ang kanyang karera bilang isang aktor. At sa naging panayam nga sa aktor ni Boy Abunda, sa online show na The Best Talk, ay sinabi nito ang naging dahilan ng kanyang pagkawala, at kung paanong nagdulot ng kasiyahan sa buhay niya ang pagdating ng kanyang anak na si Elias.

Photo Credits: Google.com

Ayon nga kay Lloydie, kaya siya huminto sa showbiz, ay dahil sa kailangan niya muna ng panahon sa kanyang sarili upang siya ay makapagnilay-nilay.

Photo Credits: John Lloyd Cruz | IG

“Kailangan medyo dumistansya, parang gusto mong maging.. para malagyan mo ulit, kailangan mom una ubusin, something like that”, ani Lloydie.

Isinaad nga ng aktor, kung gaano siya kasaya sa kanyang buhay ngayon, dahil sa kanyang anak na si Elias.

Photo Credits: John Lloyd Cruz | IG

“Wala na yatang mas liligaya pa pagka mayroon kang maliit na anak, na two years old an ang kulit. Wala nang kasing saya. Ang lupet. My little savior”, dagdag na saad pa ni Lloydie.

Naitanong naman kay John Lloyd ni Tito Boy, kung napagod ba ang aktor sa naging buhay niya sa showbiz, at ito nga ang isinagot ni Lloydie;

 

Photo Credits: John Lloyd Cruz | IG

“At one point you realize na sobrang iksi pala ng buhay at gusto mo lang, somehow you realize na kailangan mo pala bigyan ng halaga at atensyon ‘yung mga bagay na hindi mo pwedeng ikaila.. Parang hindi mo siya made-deny eh, kailangan mo siyang gawin, otherwise parang tingin ko ayaw ko naman tatanda na magtataka ako na paano kong sinubukan ko ulit.”

“And bilang creator gusto mong makapagbigay lagi ng something worth their time. And kung ubos ka, medyo mahihirapan kang ma-deliver iyon kasi wala nang bagong laman iyong utak mo… Wala ka ng maibibigay na tingin ko is worth their time kung sino man yung sumusunod sa’yo. Kumbaga nakakahiya na lang din”,

ang naging pahayag pa ng aktor.

Base nga sa naging pahayag ni Lloydie, ay dumating siya sa punto na kinakailangan niya muna ang magnilay-nilay, dahil sa narealize niya na ang buhay ay sadyang napaka-ikli lamang. Kinailangan rin niyang pagtuunan ng pansin ang mga bagay na mas mahalaga sa buhay ng isang tao.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved