Connect with us

Entertainment

Jaclyn Jose Super Proud Nanay para sa Kaniyang Anak na si Andi Eigenmann

Sa pagdating ng bagong baby ni Andi Eigenman labis na natuwa at nagalak ang proud lola na si Jaclyn Jose. Naexcite si Jaclyn Jose sa pagdating ng kaniyang apo. Naging maganda ang pasok sa kanila ng taong 2021 dahil sa bagong anghle na dumating sa kanilang pamilya.

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Isinilang na ni Andi Eigenmann ang baby boy nila ni Philmar, ito ay si Baby Koa. Ipinanganak ni Andi ang kaniyang baby na malusog.

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Ibinahagi ni Jaclyn Jose sa isang interview, na sobra-sobra ang kaniyang naging kasiyahan ang kaniyang natanggap ngayon dahil sa pagdating ng bagong biyaya sa kanilang pamilya. Lubos niyang ipinagpapasalamat na naging maayos at ligtas ang panganganak ni Andi. Ayon din sa kaniya, masaya siya na parehong healthy ang kalagayan ni Andi at ng kaniyang apo. Dagdag pa niya, iisa lang ang ipinag-papanalangin ang huwag magkasakit ang bago nilang baby, na manatili itong malusog.

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Ang isa pa sa mga ipinagpapasalamat ni Jaclyn Jose ay ang ligtas na panganganak ni Andi lalo pa’t pangatlo na niya itong anak. Dagdag pa ni Jaclyn, sobrang proud siya kay Andi dahil nanatili itong malakas kahit na tatlong araw itong nanatili sa ospital. Nakikita niya pa rin ang mga ngiti sa lani ni Andi sa kabila ng sakit ng panganganak nito. Para sa kaniya ganun katapang ang kaniyang anak na harapin ang bawat challenges nito sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Para kay Jaclyn, kasiyahan na niya ang kaniyang mga apo. Lalo pa’t nararamdam at nakikita niya kung gaano kasaya si Andi sa pagiging ina nito. Kaya lubos din ang kasiyahan ni Jaclyn na makitang masayang-masaya si Andi sa kaniyang binubuong pamilya, kaya ganun na lamang ang paghanga niya sa kaniyang anak.

Photo credits: Andi Eigenmann | IG

Ika nga ni Jaclyn,

“Yes they are genuinely happy. Ano sila, they’re just living their life to the fullest. Ayaw nila ng negative. They don’t watch news, they don’t watch things that make them think. Ako na bahala doon, kumbaga ako na ang bahala doon.”

“I’m sparing them from knowing things around them plus the fact that Andi doesn’t like really mga nega- negative things,” dagdag pa ni Jaclyn.

Bilang isang ina, masaya na siya kung paano niya nakikitang masaya ang kaniyang anak. Ang kaniyang pagsuporta sa bawat desisyon ni Andi ang kaniya na ring kasiyahan.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved