Connect with us

Entertainment

Kris Aquino, Ibinahagi kung Bakit nya nga ba Laging Isinusuot ang Perlas na Kwentas sa kanyang Pagtulog

Ipinahayag ni Kris Aquino ang kaniyang pagbabalik sa telebisyon noong Septyembre ng nakaraang taon lamang. Naging busy si Kris sa kaniyang mga endorsement at ang plano itong gumawa ng sarili niyang tv show. Sa kasalukuyan, ang actress ay nakakaranas ng chronic spontaneous urticaria simula ng ma-diagnosed siya noong 2018. Nagbahagi si Kris sa kaniyang Instagram ng mga larawan na kasama niya ang kaniyang mga anak.

PhotoCredit: Kris Aquino| IG

Sa ibinahaging post ni Kris Aquino sa kaniyang Instagram, isiniwalat niya ang tungkol sa kaniyang sinusuot na kuwintas na perlas. Ayon kay Kris, ito ay sa kadahilanang pangkalusugan kaya kasama niya ang kaniyang kuwintas na perlas sa kaniyang pagtulog. Ipinaliwanag ni Kris sa kaniyang post kung bakit siya nakasuot ng oversized men na white shirt at nakasuot ng kuwintas na perlas.

PhotoCredit: Kris Aquino| IG

Sa pagbabahagi niya, kaya siya nakasuot nito sa kaniyang pagtulog sa kadahilanang siya minsan ay inatake ng kaniyang anxiety and depression. May mga nakalipas na mga linggo na nakakaramdam siya ng hindi maganda sa kaniyang sarili.

Kaya’t sa kaniyang pagbabasa napag-alaman niyang ang mga perlas pala ay nakakatulong sa pagbabalanse ng pagbabago-bago ng mga hormones sa katawan at pinapagaan nito ang pagkapagod at pagkabalisa na nararamdam ng tao. Dagdag pa niya, pinapatibay di-umano nito ang buhay espiritwal ng isang tao at tumulong sa pagkakaroon ng maayos at magandang samahan sa bawat tahanan man o sa trabaho. Ito din ay nakakatulong sa pag-ibig at kasaganaan ng isang tao.

PhotoCredit: Kris Aquino| IG

Kaya ng ito ay kaniyang sinubukan, nakakatulog na siya ng maayos dahil sa mga binasa niya tungkol sa perlas na may kakayahang pagaanin ang kaniyang pakiramdam. Marami ang nagtataka sa pagsusuot niya nito. Pinaalalahan din naman siya ng kaniyang anak na ang perlas na sinusuot niya ay basta gamot. Malaki ang naitutulong nito sa kaniya lalo pa’t noon lamang na nakaraan na mga linggo ay inatake siya ng kaniyang sakit. Ito daw ang nagpagaan ng kaniyang nararamdaman.


PhotoCredit: Kris Aquino| IG

Para kay Kris mahalaga ang pamilya kaya’t pino-protektahan niya ang kaniyang sariling kalusugan para na rin sa kaniyang mga anak. Ang pagbabahagi rin ni Kris ng larawan nila ni Bimby ay pagpapakita ng kaniyang pagmamahal sa kaniyang bunsong anak.Dagdag pa ni Kris sa pagtatapos ng kaniyang post,

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

“Good night. Please remember that maybe now things may not be going the way you’d envisioned, but when you have FAMILY who love you for everything you are and you’re not, life may not be perfect but it can still be pretty awesome.”

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved