Connect with us

Entertainment

Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang Pagdiriwang ng Kanyang Ika-42 kaarawan Kasama ang Kanyang Pamilya sa Batangas

Si Jinkee Pacquiao ay kilalang-kilala na showbiz bilang isa sa mga mayayamang celebrity ngayon. Kamakailan lamang ay nagdiwang si Jinkee ng kaniyang kaarawan kasama ang kaniyang pamilya. Ito ang kaniyang ika-42 birthday na ginanap noong Martes lamang ng January 12, 2021.

Ang pagdiriwang ni Jinkee ng kaniyang kaarawan ay ginanap sa The Farm sa San Benito, Batangas City. Ang kaniyang kaarawan ay dinalo ng kaniyang mga kaibigan at higit sa lahat ay ang kaniyang pamilya. Ang kaniyang kaarawan ay naging holiday spent day nilang mag-pamilya, kung saan nag-bonding sila at nag-enjoy. Ito na rin ang naging oras nila upang makasama ni Jinkee ang kaniyang mga anak sa kabila ng pagiging busy nilang mag-asawa.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Ibinahagi ni Jinkee sa kaniyang Instagram, na kumpleto niyang kasama ang kaniyang pamilya. Ang larawan na ito ni Jinkee na may caption na, “My heart is still smiling. Thank You Lord for everything!” Ang kaniyang naging selebrasyon ay napaka-simple lamang na may magagandang kulay ng lobo sa kanilang naging family photoshoot.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Ipinahayag rin ni Jinkee ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga pagpapalang natatanggap niya kasama ang kaniyang pamilya.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG  

Ang isa pang larawan na ibinahagi ni Jinkee ay ang mga bulaklak na red and white roses na ibinigay sa kaniya ni Senator Manny Pacquaio bilang isa sa kaniyang mga birthday gift. Napangiti si Jinkee sa ibinigay sa kaniyang bulaklak ng kaniyang asawa at napa-caption ito ng, “Thank you, babe!”


Nagpost si Senator Manny sa kaniyang Instagram ng larawan nilang mag-asawa, ito ay kamalian lamang na nagdiwang rin siya ng kaniyang kaarawan. Ang kaniyang post ay nagpapakita lamang ng kaniyang pagmamahal sa kaniyang sa asawa. Maikli man ito, ngunit ito ay napaka-tamis at napaka-dalisay na pag-ibig, ito ay may caption na “I wish I could put into words how much you mean to me! Thank you for being an amazing wife and mother to our kids. Happy Birthday babe!”

Masayang-masaya si Jinkee sa kaniyang kaarawan dahil buo silang pamilya na nagdiwang ng kaniyang kaarawan. Hindi naman mahalaga kay Jinkee ang mga regalo at kung ano pa man, ang mahalaga sa kaniya ay ang makasama niya ang kaniyang asawa at kanilang mga anak.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved