Connect with us

Entertainment

“I will never leave It’s Showtime” Anne Curtis, Isinumpang Hindi Iiwan ang Noontime Show na Matagal na Taon Niyang Naging Pamilya

Sa naging pagsisimula at pag-usbong sa telebisyon ng noontime show na “It’s Showtime” ay kasama nito ang mga mahuhusay na mga host nito, na hinangaan at talagang minahal ng mga madlang pipol dahil sa kanilang walang sawang pagbibigay saya sa lahat ng kanilang mga manonood tuwing pananghalian. At isa na nga sa mga ito, ay ang actress, model, host at ngayon ay isa ng mommy na si Anne Curtis.

PhotoCredits: Anne Curtis| IG

Samantala, mula nga ng magsilang si Anne Curtis sa unang anak nila ng asawa niyang si Erwan Heusaff na si baby Amalia, ay pansamantala muna siyang nawala sa noontime show, upang gampanan nga ang kanyang pagiging isang ina sa kanyang bagong silang na anak.

PhotoCredits: Erwan Heusaff | IG

Ngunit, ipinagtataka naman ngayon ng maraming madlang pipol, na sa kabila ng ilang buwan na lamang ay mag-iisang taong gulang na si baby Amalia, ay bakit hindi pa rin nagagawang bumalik ni Anne sa nasabing programa. Kaya naman may ilan na nakapag-isip na baka hindi na ito bumalik sa “Its’ Showtime.”

Isang netizens nga ang matapang na nagtanong sa actress-host, kung hindi na nga ba ito babalik pa nasabing noontime show, kung saan ay agad ding sinagot ni Anne nga;

“As I told my Showtime family during private conversation, I will never leave It’s Showtime. Been them since day 1 and will them until the day comes that the show has to say goodbye.”

Base nga sa naging kasagutan ni Anne sa netizens, ay inihayag nito na hinding-hindi niya iiwan ang noontime show na, sa simula pa lamang ay kinabilangan na niya bilang isang host. Magagawa lamang siguro niyang iwanan ito, kung dumating ang araw na ang mismong programa ang mamaalam na sa telebisyon.

Dagdag pa ni Anne, magbabalik din siya sa “It’s Showtime”, ngunit sa ngayon, ay mas inuuna at priyoridad niya muna ang pagiging isang ina sa kanyang anak.

PhotoCredits: Anne Curtis| IG

“For now, mommy duties lang ako”, saad ng actress-host.

Matatandaan na isinilang ni Anne Curtis ang anak nila ni Erwan Heusaff na si baby Dahlia, sa bansang Australia noong buwan ng Marso taong 2020.

PhotoCredits: Erwan Heusaff | IG

Sa naging panayam kay Anne noong nakaraang taon, ay ibinahagi nito na “last minute” na ang naging pagdedesisyon niya na sa bansang Australia magsilang. Dagdag pa niya, ay sa Pilipinas sana siya manganganak, at mayroon na talaga siyang napiling doktor at hospital.
Ngunit dahil nga sa talagang napaka-working hard niya, at hindi siya mapigilan ng kanyang pamilya sa pagtatrabaho habang siya’y nandito sa Pilipinas, ay nagdesisyon na lamang silang mag-asawa na magtungo sa Australia, upang doon isilang ang panganay nilang anak.
Para rin kay Anne, ay malaking “factor” din na sa Australia siya nanganak, kasi naroon ang kanyang ina, na siyang tumulong sa kanya kung paano ang maging isang ina sa kanyang anak na si baby Dahlia.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved