Connect with us

Story

Gladys Reyes at Christopher Roxas Nagdiwang ng Kanilang 17th Wedding Anniversary

Ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas ay kilalang-kilala dahil sa angking galing nila sa pag-arte. Nagsimulang mabuo ang kanilang samahan sa teleseryeng ‘Mara Clara’ na ipinalabas ng ABS-CBN. Hanggang sa tumagal ang kanilang namuong relasyon at magpa-hanggang ngayon ay mas lalong tumibay ang kanilang pagsasama.

Kamakailang lamang ay nagdiwang sina Gladys Reyes at Christopher Roxas ng kanilang 17thwedding anniversary. Ibinahagi ni Gladys ang kanilang selebrasyon sa kaniyang Instagram, kung saan isinaad niya ang kaniyang lubos na pasasalamat sa kaniyang asawa sa naging mahaba nilang pagsasama. Nagbahagi rin siya ng mga larawan na nagpapakita ng kanilang walang hanggang pagmamahal sa isa’t isa.

Pagbabahagi ng aktres,

“17th wedding anniversary, 28 years of togetherness with four beautiful children. These photos pretty much sum up our journey together.”

Labis ang kasiyahan ng mag-asawa sa kanilang naging selebrasyon dahil ito ang nagpapatunay na naging maganda pa rin ang kanilang samahan sa kabila ng maraming pagsubok sa buhay. Kaya proud na proud si Gladys na ibahagi ang kanilang maganda at maayos na pagsasama.

Dagdag pa ni Gladys,

“You are my forever and you will always be my answered prayer. Happy Anniversary bebe!! We are forever grateful to you dear God!! #journeytoforever.”

Ipinakita ni Gladys kung gaano niya kamahal ang kaniyang asawa. Ang dalawa ay mayroong apat na anak ito ang kanilang naging inspirasyon upang mas lalong tumibay ang kanilang pagsasama.

Photo credits: iamgladysreyes | IG

Sa pagbabahagi ni Gladys ng kanilang naging pagdiriwang makikita ang kanilang labis ng kasiyahan. Makikita rin sa mga larawang ito kung kagaano ka-elegante ang kanilang naging pagdiriwang. Sa mga larawang ibinahagi ni Gladys, makikita ang larawan nila Christopher noong kabataan nila at kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Photo credits: iamgladysreyes | IG

Si Christopher ang childhood sweetheart ni Gladys kaya’t pagka-hanggang ngayon hindi kumukupas ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Ani ni Gladys sa kaniyang Instagram post,

“My childhood sweetheart then @christopherroxas, when he was 12 and I was 14 (kumusta naman ang pig tails ko). Now, fast forward to 27 years of togetherness. Have a stress-free day everyone!!”

Pati na rin ang kanilang matalik na kaibigan na si Judy Ann Santos-Agoncillo ay nagbahagi rin ng pagbati sa kanilang naging pagmamahaalan at maganda nilang pagsasama. Isa si Judy Ann sa mga naging saksi kung paano tumagal ang kanilang pagsasama kaya labis ang kagalakan ni Judy para sa kanila.

Photo credits: iamgladysreyes | IG

Hindi naman perpekto ang bawat relasyon marahil dumarating din talaga sa punto sa na nagkakaroon ng pagkukulang sa isa’t isa. Ngunit ang mag-asawa pa rin ang mag-aayos ng kanilang mga problema. Kagaya ganoon na lamang ang pagsasama nila Gladys at Christopher, sa kanilang mga pagkukulang ay andyan pa rin sa bawat isa upang umunawa at magparaya.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved