Connect with us

Inspiring

Dimples Romana, Breadwinner na ng Pamilya Mula ng Siya ay Nasa Edad na 16-Taong Gulang

Ang 36-taong gulang na Kapamilya actress na si Dimples Romana o sa tunay na buhay ay si Dianne Marie Romana Ahmee ay isinilang at lumaki sa Paraňaque City. Nakapagtapos siya ng International Management Major in Culinary Arts sa Enderun College.

Photo Credits: Dimples Romana | IG

Taong 1997 pa ng magsimula sa industriya ng showbusiness si Dimples Romana, kung saan unang nasilayan ng publiko ang kanyang pagiging isang aktres sa telebisyon ng mapabilang siya sa serye noon na

Photo Credits: Google.com

“Esperanza”.

Mas naging popular at hinangaan pa ang husay sa pagiging isang aktres ni Dimples ng gumanap siya bilang kontrabida na si Daniela Mondragon sa Kapamilya hit series na

Photo Credits: Google.com

“Kadenang Ginto.”

Si Dimples Romana ay ikinasal sa kanyang asawang si Boyet Ahmee, na isang businessman noong siya’y 19-taong gulang pa lamang. Ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang anak, at ito ay ang kanilang napakagandang panganay na si Callie na ngayon ay 17-taon na, at ang bunso naman ay si Alonzo, ay 5-taong gulang.

Pangarap ng panganay na anak ni Dimples na si Callie na maging isang piloto at beauty queen, ngunit ngayon ay nagsimula nitong pasukin ang pagnenegosyo, ng kahiligan nito ang mga rattan bags, na isa sa mga produktong ibenebenta nito ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Amanda (@callieahmee)

Ang bunsong anak naman ng aktres na si Alonzo, ay mahilig naman sa pagsasayaw sa edad nitong limang-taong gulang.
Samantala, maliban sa pagiging isang matagumpay na aktres ngayon sa mundo ng showbiz, ay matagumpay din bilang isang negosyante sa buhay si Dimples Romana at ang kanyang asawang si Boyet Ahmee. At dahil sa pagiging matagumpay sa buhay ng mag-asawa, ay ilang mga ari-arian at negosyo na rin ang kanilang naipundar.


Ngunit bago pa man nga umano nakamit ni Dimples at ng kanyang pamilya ang tinatamasang matagumpay at magandang buhay ngayon, ay marami munang napagdaananang pagsubok at sakripisyo ang aktres.

Ayon sa naging ulat, 16-taong gulang pa lamang ang Kapamilya actress ng magsilbi na siyang breadwinner ng kanyang pamilya, matapos bawian ng buhay ang kanyang ama dahil sa sakit na aneurysm. Kasunod nito, ay binawian rin ng buhay ang kanyang kanyang kapatid, dahil naman sa sakit na leukemia.

Matatandaan naman na noong ika-3 ng Disyembre 2019, ay muling humarap sa matinding pagsubok si Dimples, ng isugod ang kanyang asawang si Boyet sa hospital dahil sa pagsusuka nito ng dugo, dahilan upang ito ay operahan sa lalamunan.
Ayon kay Dimples, ng ma-hospital ang asawa, inakala niya na mawawala na ito sa kanya, ngunit salamat sa Diyos hindi nito pinabayaan ang kanyang asawa, at ngayon nga ay nasa maayos na kalagayan na.

Photo Credits: Dimples Romana | Yahoo Mail

Noon ngang buwan ng Hunyo taong 2020, ay nagdiwang na ang mag-asawang Boyet at Dimples ng kanilang ika17-th wedding anniversary, kung saan ay isang napakatamis at nakakakilig na mensahe ang ibinahagi ng aktres para batiin ang kanyang asawa sa kanilang anniversary.

Photo Credits: Google.com

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved