Connect with us

Entertainment

‘Ayaw namin masira yung relationship’ Kathniel, Ibinahagi ang Dahilan kung Bakit Hindi nila Minamadali ang Pagpapakasal

Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay isa sa mga tinatangkilik na love team sa mundo ng showbiz. Ang kanilang relasyon ay hindi na rin lihim sa kanilang mga taga-hanga.
Sa kanilang bagong pelikula ngayong taon ang, “The House Arrest of Us” na matatapos na ang taping ngayong darating na January 16 ay ibinahagi ni Daniel at Kathryn ang kanilang hindi malilimutang karanasan ng kanilang pagta-taping sa new normal nilang pagta-trabaho bilang artista.

Ayon kay Daniel, ang kanilang pagta-taping ngayon ay iba-ibang sa karaniwan nilang pagta-taping noon, dahil na rin sa pandemiya. Dagdag pa niya, mas nag-eenjoy siya sa kanilang mga taping ngayon dahil silang lahat ay nakakapagpahinga at mas nagkakaroon ng lakas na magtrabaho uli sa susunod na mga araw. Nagkakaroon rin sila ng sapat na oras para sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi naging hassle sa kanila ang kanilang pagtatrabaho, iyon din ang magandang naidulot sa kanila ng pandemya.

Photo credits: Daniel Padilla | IG

Sa kanilang blogcon, napag-usapan kung mayroon na rin ba silang planong magpakasal ni Kathryn. Ayon ka Daniel, ayaw niya itong madaliin ng dahil lamang sa may naka-engaged na silang kaibigan. Dagdag pa ni Daniel, nakaplano na lahat ngayong bagong taon na ito ang kanilang mga dapat gawin, ayaw lang talaga nilang magmadali dahil baka doon magsimula ang problema. Ayaw lang ni Daniel ng pressure dahil lang sa hindi pina-plano ang mga bagay-bagay, para sa kaniya lahat ng tao ay may perfect timing.

Photo credits: Daniel Padilla | IG

Inihayag rin ni Kathryn na marami pang oras ang kanilang gugulin bago sila mahantong sa plano ng pagpapakasal. Hindi nila minamadali ang susunod na yugto ng kanilang relasyon. Dagdag pa ni Kathryn, na may perfect timing talaga ang bawat magpartner, ayaw niya lang niya masira ang relasyon nila ng dahil lang sa hindi sila ready pareho ni Daniel. Iyon ang isa mga natutunan nila sa kanilang pelikula, ayaw nilang magpa-pressure dahil lang sa ikakasal ang kanilang kaibigan na ang kanilang role ay bridesmaid at bestman.

Photo credits: Daniel Padilla | IG

Nang tanungin si Kathryn tungkol sa kung ano ang kahalagahan ng pagpapakasal ayon sa kaniya ito ay pang habang-buhay na pagsasama. Dagdag pa niya, sa pag-aasawa ay hindi dapat nag-iiwanan ang mag-asawa na kahit anong mangyari ay magkasama pa rin hanggang sa huli kahit sa mga sandaling nakakaranas ng kahirapan at kaginhawaan.

Photo credits: Daniel Padilla | IG

Ayon pa kay Daniel, ang pagpapakasal ay pang habang-buhay na responsibilidad. Kaya ang pagpapakasal ay hindi basta-basta na bibitiwan na lang kapag hindi na kakayanin ang mga dumarating na mga problema. Para kay Daniel, may tamang panahon ang pagpapakasal kung saan magiging handa na siya na ibigay lahat kay Kathryn ang pang habang-buhay na pagsasama. Kaya ayaw nila muna itong madaliin ieenjoy muna nila ang kanilang pagsasama sa ngayon.

Photo credits: Daniel Padilla | IG

Photo credits: Daniel Padilla | IG

Hindi naman sukatan ang pagpapakasal upang mapatunayan ang pagmamahal sa mo sa isang tao, mas nagiging sukatan pa kung kagaano niyo higit na kakilala ang isa’t isa upang mas maging matatag ang pagsasama.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved