Connect with us

Entertainment

Andi Eigenman Ibinahagi ang Kanilang Masayang Larawan Kasama ang Kanilang Bagong Baby na si Baby Koa

Ang pagkakaroon ng masayang pamilya ay isa sa mga tagumpay ng mag-asawa. Bilang isang pamilya ang magulang ang gumagabay sa kanilang mga anak. Sila ang pinaka magandang regalong natatanggap ng isang magulang. Kaya nakakatuwang makita kapag masaya at buo ang isang pamilya.

Katulad na lamang ng pamilyang binuo ng aktres na si Andi Eigenman. Si Andi at Philmar ay bumuo ng isang pamilya nilang maituturing. Sa larawang ibinahagi ni Andi sa kaniyang Instagram, mababakas sa kanilang mga mukha ang sobrang kagalakan sa pagdating ng kanilang bagong Baby na si Koa. Masayang ibinahagi ni Andi ang pagdating ni Baby Koa sa kanilang pamilya.

Sa kaniyang post, sobrang saya niyang ibinahagi ang larawan ng kaniyang pamilya na may caption na “My happy island fam”. Makikita sa larawan ang kaniyang kasintahang si Philmar, ang panganay niyang anak na si Eli, ang pangalawa niyang anak na si Lilo at ang kanilang bagong baby na si Baby Koa. Sa larawan pa lang mararamdaman na ang pagmamahal nila sa kanilang mga anak.


Sa mga video vlog ni Andi at Philmar laging makikita ang samahan nila bilang mag-anak. Mas lalong naging masaya ang kanilang pamilya ng dumating na ang kanilang bagong baby.

Makikita sa isang larawang pinost ni Andi kung paano binabantayan ni Eli at ni Lilo ang kanilang kapatid. Naaaliw ang magkapatid sa pagbabantay sa kanilang bagong baby at kitang-kita naman ito sa kanilang mga ngiti.

Ibinahagi rin ni Andi sa kaniyang Instagram ang newborn shoot ni Baby Koa kasama siya at si Philmar. Talagang napaka-cute ni Baby Koa dahil natutulog ito buong session ng kaniyang photoshoot.

Dahil sa kanilang ipinakitang kasiyahan maraming mga netizens ang namangha sa kanilang family picture. Natuwa ang mga netizens sa kagalakan ng pamilya ni Andi sa pagdating ng kanilang bagong baby.

Tunay ngang nakakabilib kung paano ibinahagi ni Andi ang masayang pagsasama nila ni Philmar, halos sa bawat vlog niya sa kaniyang youtube ay palagi niya itong ipinapakita.
Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Andi mayroon pa ring siyang isang tagumpay na maibabahagi sa paglaki ng kaniyang mga anak at iyon ay ang pagkakaroon ng isang matatag at masayang pamilya.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved