Connect with us

Entertainment

Actress-Entrepreneur na si Ara Mina, Engaged na sa Kanyang Non-Showbiz Boyfriend

Buong saya at pagmamahal na sinagot ng “Yes” ni Ara Mina ang marriage proposal sa kanya ng non-showbiz boyfriend niyang si Dave Almirez.

Tila nga ang pagkakaroon ng masayang buhay pag-ibig ang dulot ng taong 2021 para sa 41-taong gulang na actress-entrepreneur, dahil unang buwan pa lamang nga ng taong ito ay isang mayroon ng masayang kaganapan na nangyari sa kanyang buhay.

Nito nga lamang ika-13 ng Enero 2021, ay naiulat na, engaged na si Ara Mina sa kanyang 46-taong gulang na non-showbiz boyfriend na si Dave Almirez, secretary nng PITC (Philippine International Trading Corporation.)

Naganap umano ang nasabing marriage proposal noong ika-12 ng Enero, sa isang napakagandang lugar sa San Pedro, Laguna, kung saan nagsilbi noon bilang board member.
Sa kaparehong petsa din, Martes ng gabi, ng ibahagi ng Nice Print Photo sa kanilang Instagram, ang ilang mga larawan na kuha mula sa naging engagement ng magkasintahan.

Agad ngang mapapansin sa unang larawan ng magkasintahan na ibinahagi ng Nice Print Photo, ay ang background nito, kung saan ay makikita ang mga salitang “WILL YOU MARRY ME”.
“And it’s official! [ring emoji]

@therealaramina is now engaged!

Congratulations Dave and Ara! Soooo happy to be part of this beautiful moment [red heart emoji]

#SheSaidYes”, ang nakasaad ngang caption sa unang larawan na ito.

Ilang mga memorable moments pa nga ng bagong engage couple ang ibinahagi ng nasabing photography company.

Isa na sa mga ito ang naging pagluhod ni Dave, sa harap ni Ara Mina, kasabay ang paglalahad nito ng singsing na alay niya para sa Ang probinsiyano actress.
Makikita pa nga sa isa pang larawan ang naging pagsuot ni Dave ng engagement ring sa daliri ni Ara, kung saan ay hindi na nga napigilan ng aktres ang maluha habang ginagawa ito ng kasintahan.

Matapos naman nito, ay makikita sa isa pang larawan ang naging mahigpit na pagyayakapan ng dalawa, matapos ngang sumagot ng “Yes” ni Ara sa marriage proposal ng nobyo niyang si Dave.

“They’re engaged! Congatulations @therealaramina and Dave Almirez (four rings emojis) This most beautiful moment, priceless.”, nakasaad nga sa caption ng mga larawan.

Marami namang mga kaibigan ng magkasintahan ang nagpa-abot ng pagbati sa dalawa, kabilang na nga sa mga ito ang malapit na kaibigan ni Ara, ang aktres na si Barbie Imperial.

“My ate is now engaged! Congrats my ate, you deserve it, you deserve all the happiness in the world.
“I am so happy for you ate! Can’t wait to see you in a beautiful white dress! I love you”, mensahe ni Barbie.

Matatandaan na buwan ng Nobyembre noong nakaraang taong 2020, ng pormal na aminin ng aktres na si Ara Mina na siya ay exclusively dating na sa isang non-showbiz guy, at ito nga ay si Dave. Dalawang taon na rin silang magkakakilala ni Dave ng mga panahong iyon.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

    © Copyright Varietytrends.net 2021| All rights reserved